Posts

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A BLOG #5 Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat Ang pagiging bakla ay habambuhay na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. papasanin mo ang krus sa iyong balikat habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan. ‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan, madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o mangangahas na bumulalas ng pangungutya. Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap o ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak ‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw. Anong lakas ang mayroon ka para tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad at iyong paa’y ipinako nang lipunan sa likong kultura’t tradisyon at s...

Iskwater ni Luis G. Asuncion

Image
ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A BLOG #2     Iskwater ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan  Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area malapit sa Batasang Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga bahay ay kakaunti pa lang at halos puro talahiban ang kapaligiran. Nang mga nagdaang taon ay parang mga kabute na nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi lang basta maliliit na bahay kundi mga naglalakihan na parang mansion.  Ilang beses na rin na nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay rito pero hindi nagtatagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga nakatira rito. Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan. Pero sabi ko sa sarili ko ay mahihirapan na ang gobyerno na mapaalis na ang mga tao kahit na ang iba ay gusto nang umalis tulad ko. Ang dahilan kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala rin kaming maayos na malilipatan. Nangako ang g...