Iskwater ni Luis G. Asuncion

ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A

BLOG #2

 

 Iskwater

ni Luis G. Asuncion

Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan


 Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area malapit sa Batasang Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga bahay ay kakaunti pa lang at halos puro talahiban ang kapaligiran. Nang mga nagdaang taon ay parang mga kabute na nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi lang basta maliliit na bahay kundi mga naglalakihan na parang mansion.

 Ilang beses na rin na nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay rito pero hindi nagtatagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga nakatira rito. Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan.

Pero sabi ko sa sarili ko ay mahihirapan na ang gobyerno na mapaalis na ang mga tao kahit na ang iba ay gusto nang umalis tulad ko. Ang dahilan kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala rin kaming maayos na malilipatan. Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay may nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng Payatas. Pero ang iba naman ay patuloy paring naghihintay.

 Ang alam ko lang, ang iskwater ay ang lugar kung saan ang mga mahihirap lamang ang naninirahan. Pero bakit ganun, nakikipagsiksikan ang mga mayayaman pa sa kaibigan ko na nakatira sa Don Enrique Subdivision, Quezon City.

 Ang ilang sa mga kapitbahay naming ay napakalakas magsipagtugtog ng kanilang mga component na animo’y nagpapasikat sa mga tulad naming mahihirap.

Minsan, nasilip ko ang loob ng isa sa mga kapitbahay naming dahil nakabukas ang kanilang geyt at pinto. Nakita ko ang isang putting kotse na hindi ko alam kung ano’ng tatak pero ang alam ko lang napakamahal ng ganoong klase ng sasakyan. At ang gamit nila sa loob ay napakarami. Ang 

telebisyon nila ay higit pa sa apat na beses ang laki ng Tv naming 14 inches. 

Ang karaoke ay dalawang beses ang laki sa karaokeng naming Hanabishi. 

At higit na malakas ang dahil nakahiwalay pati ang dalawang naglalakihan nitong speaker.

At kapag Pasko naman o Bagong Taon ay makikita mo lalo ang kanilang pagiging galante. Sila pa rin ang pinakamalakas magpatugtog ng mga pamaskong awitin. At ang kanilang mga handa ay isang buong litsong baboy o baka at iba pang pagkain ng mga mayayaman.

Tuwing ang isa namang miyembro ng kanilang pamilya ang may kaarawan, makikita mo na ang kanilang mga handa ay para sa isang pista ng nayon at ang mga bisita ay halos lahat de-kotse.

Minsan nakita ko ang kapitbahay naming mayamang kolehiyala na tipo ang itsura, kapag hindi mo kilala, ay di mo aakalain na nakatira sya sa isang squatters’ area. Matangkad, maganda, maputi, seksi, kaakit-akit lalo na ang pananamit. Sa aking obserbasyon, iba-iba ang kanyang boypren tuwing makikita ko siya sa labas. Hindi sya nagpapaligaw sa bahay nila dahil ang sabi’y nahihiya siya sa lugar na kinatitirikan ng malaki nilang bahay. Bakit dito pa sila nagpatayo ng bahay?

Noong wala pang gaanong mga bahay dito ay Malaya kaming nakapaghahabulan sa mga talahiban ay nangangamba na madamay rito.

Kung may pera lang sana kami para makaalis na sa lugar na ito ay matagal na naming ginawa. Sabi ko sa sarili na ipinanganak akong mahirap ay mamamatay din yata akong mahirap.

Bakit ganun, ang mga mahihirap ay ‘di kalian man makakatira sa lugar ng mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gastusin.



Buod ng Aralin

Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw- araw. Malaki ang sanhi ng kahirapan at ang epekto nito sa kabataan na nakakaranas ng kahirapan, nawawalan ng tiwala sa sarili, sa kapwa tao, at sa gobyerno. Kung hindi ito maigpawan, maaaring masadlak na lang sa hikahos na buhay dulot ng kawalan ng disenteng pabahay at hanapbuhay.Ito ang mga dahilan kung bakit umiiral ang mga People’s Plan sa mga maralitang komunidad para magkaroon ng matatawag na sariling tahanan at disenteng tirahan.



Pagtataya

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?

Ang sentral na paksa ng sanaysay na "Iskwater" ay ang kahirapang nararanasan ng mga taong nakatira sa dikit-dikit na bahay o iskwater.


2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng 

halimbawa.

Oo, katulad na lamang ng ang iskwater ay lugar kung saan ang mga mahihirap lamang ang naninirahan, subalit bakit nakikipag siksikan ang mga mayayaman. Ang mahihirap ay 'di kailanman makakatira sa lugar ng mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa lugar ng mga mahihirap anumang oras nilang gastusin. Hindi ito makatarungan at hindi patas. Pare pareho lang tayong tao na naninirahan sa isang mundo.


3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.

Ang layunin ng may-akda sa paksa ay mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan sa kung ano ang kanilang suliranin sa buhay. Gayundin sa mga namumuno sa ating bansa upang lubos pa nilang maunawaan at masolusyunan ang sitwasyon ng kanilang nasasakupan. Isa pa ay mabigyan ito ng pansin ng sa gayon ay matugunan ang matagal ng gustong inaasam ng mga mahihirap nating mamamayan. Siguro nga ay walang kapangyarihan ang mga nasa mababang lebel na mamamayan sa ating lipunan ngunit karapat-dapat silang makatanggap ng pantay na pagtrato.


4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

Ang ideyang sinasang-ayunan ko sa sanaysay ay pag dumating ang takdang oras na idemolis ang mga kabahayan sa iskwater ay bibigyan sila ng magandang matitirahan na walang dumadanak na dugo dahil sa pakikipaglaban. Ito ay malinis na laban kung saan may matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan.

Ang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang mga mayaman na patuloy pa rin na nakiki siksik sa iskwater na kung saan ay para lang sa mahihirap.


5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.

Masasabi kong nakakaugnay ako sa mga kaisipang inilahad sa teksto, sapagkat ito ay tungkol sa pamumuhay ng mga mahihirap na patuloy na naghihirap sa iskwater. Na ang tanging hangad ay maka pagbili o magkaroon ng sariling lupa upang doon makapag patayo ng sarili bahay at may malawak na kapaligiran, ari-arian na hindi basta-basta makukuha ng iba. Ang pagiging mahirap ay mahirap- umaasa na lamang sa gobyerno, isang-kahig isang-tuka at walang permanenteng bahay. Pero ako, hindi ako susuko sa aking mga pangarap hangga't hindi ko pa ito nakakamit gaya na lamang ng mga nakatira sa iskwater, sila ay patuloy na nangangarap  sapagkat nandiyan lagi ang Panginoon na siyang gumagabay at nagbibigay ng pag-asa sa bawat isa.


6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto 

ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.

Napakahalaga sapagkat nagbago na ang aking pananaw at nadagdagan pa ang aking kaalaman na ang pamumuhay ng mga nakatira sa iskwater ay nakakabahala at napakahirap. Ngunit dahil sa pagtalakay ng may-akda ay nakapagbigay ito ng kalinawan at aral sa bawat isa lalong lalo na sa mga walang pakialam sa buhay kung ano ang mayroon sa salitang iskwater. Gayunpaman ang mga nakatira sa iskwater ay nakakahanga sapagkat hindi uso ang salitang pagsuko kahit lubos na silang nahihirapan.


7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

Sa kasalukuyan, masasabi kong wala paring pinagbago ang ganitong paraan ng pamumuhay ng mga nakatira sa iskwater, sapagkat ganun parin ang ginagampanan nila sa ating lipunan. Sa ating bansa, napakarami ang bilang ng mga pamilyang nakatira sa iskwater, dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng populasyon ay nahihirapan ang ating gobyerno na matugunan at sila'y matulungan lalo na't tayo ay nahaharap sa napakalaking krisis dulot ng pandemya. Mas maraming tao ang naghihirap at umaasa sa gobyerno.



Mungkahing Gawain

1. Gawan ng Concept map ang salitang Iskwater sa loob ng kahon.




Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales