Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A

BLOG #5


Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

ni Rolando A. Bernales


Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

Ang pagiging bakla ay habambuhay

na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.

papasanin mo ang krus sa iyong balikat

habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan.

‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan,

madalas ay mabato, maputik o masukal.

Mapalad kung walang magpupukol ng bato

o mangangahas na bumulalas ng pangungutya.

Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap

o ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak

‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin

sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala.

Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw.

Anong lakas ang mayroon ka para tumutol?

Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad

at iyong paa’y ipinako nang lipunan

sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang

nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan 

na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo

kahit pa ikaw’y magpumilit na magpakamarangal?!


Marso 11, 1995


Gabay sa Pagsusuri

1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?

-"Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo", ay nagpapahiwatig sa mapaklang dinaranas ng mga bakla sa lipunan. Gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat sapagkat ito ang tunay o reyalidad para sa mga bakla na silang makakatanggap ng iba't ibang masasakit na salita o diskriminasyon na siyang krus ng kalbaryo sa kanilang buhay. 


2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?

-Ang tinutukoy na iba't-ibang mukha ay ang mga tao na mayroong iba't-ibang kasarian at edad na gawain ang panghuhusga at pangungutya sa kanilang kapwa tao mapa bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala na walang alam kundi ang husgahan at pagsasalita ng masama ang mga bakla.


3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura at tradisyon at bulok na paniniwala.

-Ang likong kultura at tradisyon at bulok na paniniwala sa tula ay ang paniniwalang dalawa lamang ang kasarian dito sa mundo at 'yon ay lalaki at babae lamang. Maraming nagsasabing ang pagkakaroon ng kasariang labas sa lalaki o babae o pagiging miyembro ng LGBT community ay isang malaking kasalanan. Kaya naman diskriminasyon at panlalait ang kadalasang natatanggap ng mga miyembro ng LGBT.


Comments

Popular posts from this blog

Iskwater ni Luis G. Asuncion